"Survivor" castoffs Kiko Rustia and Vern Domingo face Central Jury on "Showbiz Central"

Monday, November 17, 2008

Last week ay dalawang castaways ang na-vote out sa Survivor Philippines. Una ay ang young businessman na si Kiko Rustia at sumunod naman sa kanya ang taekwondo instructor na si Vern Domingo. Bahagi na sila ngayon ng Jury, kasama si Jace Flores, na magdedesisyon kung sino ang karapat-dapat na tanghaling Pinoy Sole Survivor at manalo ng three-million cash prize.

Sabay na humarap sina Kiko at Vern sa Central Jury ng Showbiz Central na sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister kahapon, November 16.

Bago magsimula ang interview ay sinabi ni Rufa Mae ang kanyang obserbasyon na parang mangiyak-ngiyak si Kiko habang pinapanood ang video nang ma-vote out siya sa Survivor.

Pero ayon kay Kiko, "Hindi naman, medyo ina-absorb ko lang. It wasn't really a welcome thing for me. But then again, sa akin, I accept kung ano yung dumarating."

Ano ang feeling ni Kiko nang banggitin ang pangalan niya at natanggal?

"Actually, mas kinakabahan pa nga ako noong nagkakabilangan," sabi ni Kiko. "Pero noong mabanggit na ang name ko, at malaman ko na ako, parang nagkaroon na ng sense of calm na. Kasi yun nga, I gave everything that I expected. The way I played the game, malamang naman na matatanggal ako nang maaga. And I didn't care because I don't wanna compromise."

Tinanong din ni Rufa Mae si Vern kung ano ang naramdaman niya nang matawag na ang pangalan niya bilang castoff.

"Ako kasi, gusto ko pa ring ipagpatuloy yung laban," saad ni Vern. "Siyempre, pumunta ako doon para talaga maglaro at ipakita sa buong Pilipinas talaga kung ano ang kakayahan ko. So, noong time na na-vote out ako, siyempre, sobrang masama yung loob. Parang yun nga, medyo nahe-hurt ako dahil sobrang aga pa para ma-vote ako.

"Pero siyempre ngayon, wala na sa akin yun. Kailangang i-accept mo na hanggang doon na lang talaga," pahabol niya.

Tinanong naman ni Mo si Kiko kung bakit kay Rob niya ibinigay ang black pearl na magsisilbing curse sa kung sino mang may hawak nito. May galit ba siya kay Rob.

"Well, that's a good question," umpisa niya. "I'm sure, there's a lot of questions nga. First and foremost nga, marami ang nagsasabi na hindi naman si Rob ang nagtraydor sa ‘yo or something like that. Ako naman, nagduda ako, yes! I'm guilty at that, but I didn't point a finger na ikaw ang bumoto sa akin..."

Hindi naman mabanggit-banggit ni Rufa Mae ang salitang "mabaho" na gusto niya sanang itanong kay Vern. Sina Vern at Marlon kasi ang sinasabing "pinakamabaho" sa isang survey na isinagawa among the castaways.

Paliwanag naman ni Vern, "Kasi magwa-one month na kami sa island [that time]. Ang tendency, one month na walang shower, walang toothbrush, walang sabon... So, siyempre, nandoon ka pa sa island, siyempre, ang tendency, medyo...yun [mangamoy]."

Pero para kay Vern, sino ang pinakamabaho sa castaways?

"Tapos na ang botohan," sabi muna ni Vern. "Well...kasi ang pinili ko noon si Marlon."

Sino naman ang sa tingin ni Kiko ang pinakamabaho sa mga kasamahan niya sa isla?

"Actually, marami akong masyadong pinoproblema para amuyin yung mga castaway, e. So, yun," sabi ni Kiko.

0 comments: