Survivor castaway Kiko Rustia replaces Romy Garduce in Born To Be Wild

Saturday, February 21, 2009

Nang unang ma-interview ang isa sa mga castaway ng Survivor Philippines Season 1 na si Kiko Rustia, 32 pa lang ang lahat ng bracelets niya. Nang sumunod na makausap namin siya ay 38 na ang bracelets nito in different colors and made of different materials.

Hindi inaalis ni Kiko ang kanyang mga bracelet kahit naliligo siya. Patunay nito ang maputing bahagi ng kanyang braso na natatakpan ng mga bracelet na dahil sa bigat ay lumaki ang mga braso niya. After his U.S. trip, balak ni Kiko na maglabas ng sariling bracelet line sa tulong ng Tahanang Walang Hagdan. May kausap na raw siya tungkol dito at papangalanan niya ang itatayong bracelet line na Kiko's Burloloy.

Aalis si Kiko sa February 22, para dumalo sa three international food conventions na gagawin sa Las Vegas at San Francisco. Hanggang March 14 siya roon. May kinalaman sa bubuksang 55 Events Place, kung saan kasosyo siya, ang pagdalo ng dating Survivor castaway sa food convention.

"Sometime in March ang target naming opening," banggit ni Kiko. "It's a big place with two main function rooms. Puwedeng resto at lahat ng klaseng events, from weddings to birthdays. May catering din kami at yun ang pag-aaralan namin sa convention.

"Graduate ako ng Culinary Arts sa Center for Culinary Arts. Ang kasosyo ko is my best friend, who graduated from California Culinary Arts. Dati nagluluto ako at ang specialty ko ay fusion dahil mahilig akong mag-mix and match. Pero ngayon, hindi ko na magawa," kuwento pa niya.

Industrial partner din si Kiko ng Half Moon Coffee at I Have Two Eggs restos na magka-back-to-back sa  Tomas Morato Ave. extension.

BORN TO BE WILD. Pero bago umalis papuntang U.S., nag-taping muna si Kiko sa Cagayan Valley ng pilot episode niya sa Born To Be Wild, kung saan magiging regular co-host na siya ni Doc Ferds Recio. Nag-resign na kasi mula sa show ang mountaineer na si Romy Garduce.

Bago maging regular co-host si Kiko ng Born To Be Wild ay nag-guest na si Kiko rito kaya hindi na siya maninibago.

Anong pressure ang dala nang pagiging regular niya sa Born To Be Wild at bilang kapalit ni Romy?

"Malaking pressure dahil si Romy ay may very in-depth knowledge at matagal na siya sa show. Ako, ngayon lang magiging permanent co-host. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang napili, hindi sinabi sa akin.ig Suro dahil for my passion for outdoors at adventurous ako. Nakita rin nilang wala akong arte at kung kinailangang lumusong sa putik, ginawa ko."

"Mag-iiba na rin ang format ng Born To Be Wild, magiging extreme siya at matitindi ang gagawin namin. Magiging palaban siya at willing akong gawin ang lahat. Hindi ko sasayangin ang opportunity na ibinigay sa akin ng GMA-7," pangako ni Kiko.

Hindi rin daw tatanggihan ni Kiko kung may acting offer na dumating, pero gusto niya action o kaya ay comedy dahil komikero raw siya.

"Nabalitang kasama raw ako sa Totoy Bato, pero hindi totoo yun. It would have been an honor to work with the likes of Robin Padilla, Manny Pacquiao, and Eddie Garcia. Kapag katrabaho mo si Robin, dapat umayos ka. Great experience sana yun kung totoo," may panghihinayang na sabi ni Kiko.

GOOD EDUCATION. Hindi itinatanggi ni Kiko na may kaya ang kanilang pamilya, pero lahat daw ng meron sila ay pinagtrabahuan ng kanyang mga magulang. Naghirap daw ang parents niya to send them to good schools. Gaya ni Kiko na graduate sa La Salle, sa College of St. Benilde naman graduate ang brother niya; samantalang ang dalawang kapatid niyang babae ay sa University of Asia & the Pacific pumapasok; at ang youngest nila ay sa Poveda.

"My family believes in investing in good education, kaya sa magagandang eskuwelahan kami ipinasok. Nakikita ko kung paano nagsisikap ang parents ko, kaya now than I'm earning, tumutulong ako sa family expenses. My dream is to treat my family abroad," wika ni Kiko.

Hahabol pa si Kiko sa ibang audition dates ng Season 2 ng Survivor Philippines. Sasama raw siya sa audition para tumulong sa paghahanap ng castaway na babagay sa reality show at may kasing-tinding impact, gaya ng mga naunang casaways, na makakaganda sa reality show.

 

- PEP

0 comments: