Survivor Philippines Season 2 auditions

Monday, February 23, 2009

GMA 7’s Survivor Philippines is set to kick off auditions for Season Two.

Auditions are open to all individuals 18 years old and above, physically and mentally fit, and can survive in unfamiliar terrain for 39 days.

Applicants are encouraged to show off their distinct survivor personality that will give them the chance to bag the title Sole Survivor.

The first wave of auditions will kick off at the CSI, the City Mall Lucao in Dagupan on Feb. 26 and 27. Baguio will be the second stop at SM City Baguio on March 3 and 4. Next is at LCC Mall in Naga on March 9 and 10.

There will be auditions on March 12 and 13 at SM Iloilo; March 15 and 16, SM City Cebu; March 18 and 19, SM Davao; March 23 and 24, SM Lipa, Batangas; March 27 and 28, SM North EDSA; and March 29 and 30, SM Mall of Asia.

Survivor castaway Kiko Rustia replaces Romy Garduce in Born To Be Wild

Saturday, February 21, 2009

Nang unang ma-interview ang isa sa mga castaway ng Survivor Philippines Season 1 na si Kiko Rustia, 32 pa lang ang lahat ng bracelets niya. Nang sumunod na makausap namin siya ay 38 na ang bracelets nito in different colors and made of different materials.

Hindi inaalis ni Kiko ang kanyang mga bracelet kahit naliligo siya. Patunay nito ang maputing bahagi ng kanyang braso na natatakpan ng mga bracelet na dahil sa bigat ay lumaki ang mga braso niya. After his U.S. trip, balak ni Kiko na maglabas ng sariling bracelet line sa tulong ng Tahanang Walang Hagdan. May kausap na raw siya tungkol dito at papangalanan niya ang itatayong bracelet line na Kiko's Burloloy.

Aalis si Kiko sa February 22, para dumalo sa three international food conventions na gagawin sa Las Vegas at San Francisco. Hanggang March 14 siya roon. May kinalaman sa bubuksang 55 Events Place, kung saan kasosyo siya, ang pagdalo ng dating Survivor castaway sa food convention.

"Sometime in March ang target naming opening," banggit ni Kiko. "It's a big place with two main function rooms. Puwedeng resto at lahat ng klaseng events, from weddings to birthdays. May catering din kami at yun ang pag-aaralan namin sa convention.

"Graduate ako ng Culinary Arts sa Center for Culinary Arts. Ang kasosyo ko is my best friend, who graduated from California Culinary Arts. Dati nagluluto ako at ang specialty ko ay fusion dahil mahilig akong mag-mix and match. Pero ngayon, hindi ko na magawa," kuwento pa niya.

Industrial partner din si Kiko ng Half Moon Coffee at I Have Two Eggs restos na magka-back-to-back sa  Tomas Morato Ave. extension.

BORN TO BE WILD. Pero bago umalis papuntang U.S., nag-taping muna si Kiko sa Cagayan Valley ng pilot episode niya sa Born To Be Wild, kung saan magiging regular co-host na siya ni Doc Ferds Recio. Nag-resign na kasi mula sa show ang mountaineer na si Romy Garduce.

Bago maging regular co-host si Kiko ng Born To Be Wild ay nag-guest na si Kiko rito kaya hindi na siya maninibago.

Anong pressure ang dala nang pagiging regular niya sa Born To Be Wild at bilang kapalit ni Romy?

"Malaking pressure dahil si Romy ay may very in-depth knowledge at matagal na siya sa show. Ako, ngayon lang magiging permanent co-host. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang napili, hindi sinabi sa akin.ig Suro dahil for my passion for outdoors at adventurous ako. Nakita rin nilang wala akong arte at kung kinailangang lumusong sa putik, ginawa ko."

"Mag-iiba na rin ang format ng Born To Be Wild, magiging extreme siya at matitindi ang gagawin namin. Magiging palaban siya at willing akong gawin ang lahat. Hindi ko sasayangin ang opportunity na ibinigay sa akin ng GMA-7," pangako ni Kiko.

Hindi rin daw tatanggihan ni Kiko kung may acting offer na dumating, pero gusto niya action o kaya ay comedy dahil komikero raw siya.

"Nabalitang kasama raw ako sa Totoy Bato, pero hindi totoo yun. It would have been an honor to work with the likes of Robin Padilla, Manny Pacquiao, and Eddie Garcia. Kapag katrabaho mo si Robin, dapat umayos ka. Great experience sana yun kung totoo," may panghihinayang na sabi ni Kiko.

GOOD EDUCATION. Hindi itinatanggi ni Kiko na may kaya ang kanilang pamilya, pero lahat daw ng meron sila ay pinagtrabahuan ng kanyang mga magulang. Naghirap daw ang parents niya to send them to good schools. Gaya ni Kiko na graduate sa La Salle, sa College of St. Benilde naman graduate ang brother niya; samantalang ang dalawang kapatid niyang babae ay sa University of Asia & the Pacific pumapasok; at ang youngest nila ay sa Poveda.

"My family believes in investing in good education, kaya sa magagandang eskuwelahan kami ipinasok. Nakikita ko kung paano nagsisikap ang parents ko, kaya now than I'm earning, tumutulong ako sa family expenses. My dream is to treat my family abroad," wika ni Kiko.

Hahabol pa si Kiko sa ibang audition dates ng Season 2 ng Survivor Philippines. Sasama raw siya sa audition para tumulong sa paghahanap ng castaway na babagay sa reality show at may kasing-tinding impact, gaya ng mga naunang casaways, na makakaganda sa reality show.

 

- PEP

Survivor Philippines opens auditions for second season

Friday, February 20, 2009

After a phenomenal first season, Survivor Philippines (SP) is set to unfurl its second season.

Everyone thought nothing could top the mind-boggling challenges, in your-face drama, and strength-zapping activities of season 1 but Survivor Philippines Season 2 aims to raise the bar for reality TV once more.

Survivor Philippines is set to re-affirm its status as the mother of all reality shows as it trumpets the start of its callouts to all free-spirited individuals, Survivor fanatics, thrill-seekers and adventure enthusiasts from all walks of life to take part in the nationwide auditions for Season 2.

Auditions are open to all individuals 18 years old and above, physically and mentally fit, and can last in unfamiliar terrain for 39 days.

Applicants are encouraged to show off their distinct survivor personality that will hopefully give them the opportunity to bag the much-coveted title of being the Sole Survivor.

The first wave of auditions is set to kick off at the CSI, the City Mall Lucao in Dagupan on February 26 and 27.

The country’s summer capital will be the second stop as the auditions unfold at SM City Baguio on March 3 and 4. Next stop will be in LCC Mall in Naga on March 9 and 10.

Down south, the auditions will start in Iloilo on March 12 to 13 at SM Iloilo. The Queen City of the South is next on March 15 and 16 at SM City Cebu. And finally, SM Davao on March 18 to 19.

Back in Luzon, SP Season 2 auditions will be held at SM Lipa in Batangas on March 23 to 24, SM North EDSA in Manila on March 27 to 28 and SM Mall of Asia on March 29 to 30.

Mark the dates and get ready to take on the challenge that is Survivor Philippines Season 2.

Survivor JC Tiuseco, John Lopez enter showbiz

Tuesday, February 10, 2009

Modeling agencies are going mainstream showbiz for the sake of the boys of Survivor Philippines.

Magkasunod ang naging presscon para sa dalawang castaways ng unang season ng Survivor Philippines. Una ay para sa Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco at sumunod naman ang para kay John Lopez. Ang nagpatawag ng mga presscon ay ang Mercator Agency ni Jonas Gaffud para kay JC at ang Raven Models ni Raoul Ramirez para naman kay John.

Malaking pangalan sa modeling at beauty pageants ang Mercator. Nasa kanila sina JC; ang international male models na sina Akihiro Sato, Hideo Muracka, at Fabio Ide; ang Star Magic boys na sina Victor Basa at Jubail Andres; ang Pinoy supermodel sa Asian circuit na si Rocky Salumbides; ang dating taga-Star Magic na napapanood ngayon sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na si Boom Labrusca; ang semi-retired model turned Pinoy Big Brother housemate turned steward na si Bruce Quebral; pati na ang ex-boyfriend ni Marian Rivera na si Ervic Vijandre.

Sa mga babae, hina-handle din ng Mercator ang huling apat na naging Bb. Pilipinas-Universe: Gionna Cabrera (2005), Lia Andrea Ramos (2006), Theresa Licaros (2007), at Jennifer Barrientos (2008); pati na si Bb. Pilipinas-World 2008 Danielle Castaño.

Maraming artista na rin ang nahawakan ng kumpanya ni Jonas, ngunit ngayon lang siya nagbigay ng isang showbiz presscon at humarap sa entertainment press.

"Para kay JC lang," sabi ni Jonas sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bukod kasi sa modeling at commercial assignments ni JC, ang Mercator na rin ang magha-handle ng showbiz career ng unang Pinoy Sole Survivor.

Ganitong-ganito rin ang naging sagot ni Raoul sa PEP nang tinanong namin kung bakit going public din ang Raven Models: "Para lang kay John."

Bago pa lang ang Raven Models kumpara sa Mercator, ngunit impressive din ang lineup ng kanilang talents sa pangunguna na rin ni John. Bukod sa kanya, nasa kanila rin ang Bodyshot winner 2002, Fashionista 2003 winner, Mr. Manhunt Philippines 2003, at Best Model of the World Philippines 2003 representative na si Carlo Adorador; ang Circle of 10 2008 winner Ervin David; at ang current toast of ramp and TVC na si Bea Soriano.

Ang Raven na rin ang hahawak ng showbiz career ni John, na lumalabas ngayon sa 21st season ng Daisy Siete na "Tarzariray," katambal ang top SexBomb girl na si Rochelle Pangilinan.

Tinanong din namin sina Jonas at Raoul kung ito na ang magiging direction ng kanilang agencies—na sila na rin ang magha-handle ng mga models nilang artista o papasok sa pag-aartista.

Depende lang daw ito dahil basically ay pang-commercial at fashion lang ang kontrata nila sa talents nila. Ang iba nga sa kanila kasi, tulad ni Victor Basa, kontratado ito ng Star Magic nang pumasok ito sa pag-aartista, pero mas nauna naman siyang nakontrata ng Mercator bilang model.

First Pinoy Sole Survivor JC Tiuseco leaves basketball behind; pursues showbiz career

Thursday, February 5, 2009

When JC Tiuseco joined the first Survivor Philippines, one of his intentions was to use the reality program as a stepping stone to show business. 

"At the back of my mind, siyempre, nandoon na 'yon," said JC in a recent interview with PEP (Philippine Entertainment Portal).  Lahat naman kami na sumali sa Survivor, gusto rin naming talaga na makapasok eventually sa showbiz.  Sabi nga ni Patani, 'Exposure.'  Nandoon na talaga na, ' Kailangan ko 'to.  Exposure ito sa akin if I wanna enter showbiz.'  Pero siyempre kailangan mong laruin 'yong game.  Alam mo na kaya ka nagpunta doon dahil hindi lang sa exposure, e, gusto mong manalo ka, gusto mong ikaw ang maging First Sole Survivor."

Being a celebrity was what JC thought as the next step after his modeling stint.  He explained, "After modeling kasi, noong nagmo-model ako, parang iniisip ko, 'What's next after modeling?  Ano na ang gagawin ko?' Hindi naman puwedeng lagi na lang akong modeling diyan.  Paano kung na-lock out na ako sa mga product na nakuha for endorsements.  So, what's next?  Ito na 'yong next level na naisip ko, e, ang showbiz."

What about his basketball career?  It can be remembered that he was first known as a hardcourt heartthrob while he was still playing for the San Sebastian Recoletos Golden Stags.

"Ang basketball ko is more of a hobby na lang.   Pero I'm still playing for a commercial league team o kaya sa Chinese league team," answered JC. 

STARTING WITH HOSTING JOB.  After he was declared the first Pinoy Sole Survivor, JC immediately got a hosting-job offer from GMA-7's morning show Unang Hirit.  This was actually another first for the 23-year-old former varsity player.

When asked about his experience so far, JC laughed while narrating his first day in Unang Hirit.  He said, "'Yong Unang Hirit, noong una, sobrang stiff ko, kasi hindi naman ako host.  First hosting job ko at ang stiff-stiff ko.  Hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa co-host ko."

He then told PEP that he was not really expecting to be a television host.  The Unang Hirit segment host said,   "Hindi ko aakalain na magiging ganito ang job ko, hindi naman kasi ako madaldal."

During his short hosting job, however, many already noticed  improvement in his newfound job, JC said. 

He excitedly related to PEP, "Ngayon, natutuwa lang ako kasi one week or six days pa lang ako nagwo-work for Unang Hirit, pero nakita ko naman ang improvement ko sa sarili ko.  Marami ring tao na nagsasabi sa akin na, 'Uy, ang laki na ng in-improve mo.'  Comfy na ako sa mga kasama ko at nakakabato na ako ng mga lines ko nang mas okay.  Pero siyempre, there's always room for improvement, marami pa akong matututunan." 

HOPING TO BECOME AN ACTOR.  JC is also serious about fulfilling his dream to become a dramatic actor. In fact, he is currently taking workshops in acting and hosting to sharpen his skills.

"Aside from hosting, na binigyan na ako ng break ng GMA-7, gusto ko talagang mag-drama or action.  Kasi, 'yong action, sa [Koh Tarutao] island pa lang, ang dami nang action.  'Yong mga talun-talon naming doon, hindi naman calculated stunts 'yon.

Drama, kasi parang masaya 'yong makikita nila ako sa labas na hindi naman ako umiiyak except sa Survivor, nakita nila akong umiiyak. Feeling ko, kakayanin ko 'yong drama basta mabigyan lang ako ng experience or break, ganun."

If given the chance, JC wants to work with several Kapuso actresses.  "Siyempre, gusto kong maka-partner 'yong magagaling na artista, like sila Rhian [Ramos], Iza Calzado, Sunshine Dizon.  Kasi nandoon na sila, e, parang kung sila man ang makaka-partner ko o makakasama ko sa soap, marami na akong matututunan from them."

He recalled his first acting experience with young actress Jennica Garcia in the weekly drama Maynila

JC narrated, "Si Jennica Garcia, naka-work ko na sa Maynila, partner ko siya doon.  So, nakita ko naman na talaga supportive siya kasi alam niya na first acting job ko 'yon.  Parang tinuturuan niya ako at kapag nagkakamali ako, sinasabi niya, 'Okay lang 'yan.  First time mo, alam kong kinakabahan ka.  Hindi mo pa mailalabas ang pag-arte mo dito.'"

Although he admitted that he's not yet a good actor, JC remained positive that he would get his chance to show off what he got this year. 

"This year, sana makasama ako sa isang soap, magkaroon ako ng acting job.  Positive naman ako diyan sa acting job ko this year.  Feeling ko naman magkakaroon naman, so, sana bigyan ako ng project ng GMA-7," he ended hopefully.