Impressive ang pilot episode ng Survivor Philippines noong nakaraang Lunes, September 15, at nakakuha ito ng mataas na rating na 31.8% considering na medyo late na ang timeslot nila ay marami pa rin ang nag-abang sa bagong reality/competition franchise na ito ng Pilipinas.
Mukhang magiging hit ito sa mga manonood dahil unang pagsubok pa lang sa 18 castaways ay mararamdaman mo na agad ang hirap na pinagdadaanan nila. Day One pa lang iyon at may 38 days pa silang bubunuin sa isla ng Koh Tarutao sa Thailand.
Tama nga ang sinabi ng host ng Survivor Philippines na si Paolo Bediones na may kanya-kanyang character ang mga napili nilang castaways.
Hindi pa raw ito napapanood ng mga televiwers pero sa mga succeeding episodes ay makikita na raw kung sino ang mga pasaway, nagsisinungaling, gumagawa ng paraan para ‘di ma-vote out at kung sino ang mga na-develop sa isla.
"Tapos naman na kasi naming lahat. May two castaways na lang ang natitira pero hindi naming puwedeng i-reveal kung sino ang dalawang iyon. Sa December pa malalaman kung sino sila at sino ang matatanghal na Pinoy Sole Survivor," sabi ni Paolo.
Pinagdasal talaga ni Paolo na siya ang maging host ng Survivor Philippines. Noong una nga raw ay inakala niya na hindi sa kanya mapupunta ang pag-host dahil nakarating sa kanya na may ibang gustong kunin.
"Medyo na-depress ako kasi I heard na gusto raw ay ibang mukha. Baka raw magmukhang Extra Challenge ang Survivor Philippines. But I still prayed for it. Hindi ako tumigil sa paghingi ng sign kung matutuloy ba ako or hindi.
"Sa totoo lang, medyo worried na ako because katatapos lang ng Whammy: Push Your Luck tapos mawawala na rin ang Tok! Tok! Tok! Dahil magkakaroon that time ng Pinoy Idol. So everything was in the air at hindi ko alam ang next step ko. Before Survivor came in, five months akong walang suweldo sa GMA-7. Mabuti na lang at may negosyo ako that kept me afloat for all those months."
Ngayon nga at napasakanya ang pagiging host ng Survivor Philippines, umaasa siya ng magiging daily viewing habit na ito ng mga Pinoy at sana ay magkaroon ito ng second season.
"It's all up to the people behind Survivor. If they find it very impressive, hindi malayong magkaroon ng season 2. With the way kung paano maglaro at magpakitang gilas ang mga castaways, mahu-hook sila dahil paborito talaga ng mga Pinoy ang reality shows."
Abangan kung sino ang magiging unang Pinoy Sole Survivor na siyang mananalo ng P3 million cash prize (tax-free). Mapapanood ang Survivor Philippines simula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7 pagkatapos ng Ako Si Kim Samsoon.
0 comments:
Post a Comment