Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam ang host ng Survivor reality show na si Jeff Probst para sa franchise ng nangungunang reality series sa mundo na gagawin sa Pilipinas ng GMA Network. Ano kaya ang payo nya sa host ng local version nito na si Paolo Bediones?
“The best thing to do is to be your self. And let your natural curiosity to come out. Good luck to you… what a great job you gonna have," ayon kay Jeff mula sa Los Angeles, USA.
Ayon kay Jeff marami siyang natutunan sa walong taong pagho-host ng Survivor at umaasa siyang magagamit din ito sa local version sa Pilipinas.
“I hope people of the Philippines enjoy it. It’s one thing to watch American version of it, but it’s different to watch your own culture… people you might know," ayon pa kay Jeff.
Ano naman kaya ang maipapayo niya sa mga maswerteng makakapasa bilang contestants o “cast away" na maninirahan sa isang liblib na isla?
“Do your best and to just (close the mouth) because every time you open your mouth you could get your self in trouble," idinagdag pa ng host.
May nagsasabing hawig ang dalawang host ng Survivor, at kahit si Jeff ay aminado rito. Ano naman kaya masasabi ni Paolo?
“Maganda [ang] mga dimple nya ako wala," masayang bungad ni Paolo. “Pero I think maraming matutuwa lalo na sa mga fans ng Survivors na a familiar face is actually acknowledging our Filipino production."
Mahigit 30,000 ang mga nag-audition para mapabilang sa mga “cast away" na mananatili at magkokompetisyon sa isang lihim na isla. Kung sino-sino sila, abangan sa pagsisimula ng Philippine Survivor series.